Friday, October 31, 2008

MGA NASA ISIP KO NGAYON

Ooperahan na ko!
Tuloy na ang aking operasyon sa tuhod. Gaganapin ito sa ika-4 ng Nobyembre sa UST Hospital dakong alas-singko ng hapon. Pangungunahan ni Dr. Jose Fernando Syquia (parang karakter lang sa Marimar) ang nasabing operasyon. Sa nasabing operasyon, puputol ng kapiranggot na tendon sa aking hamstring na siya namang gagamitin upang mapagdugtong ang aking napunit na ACL. Susubukan din ayusin ni Dr. Syquia ang aking medial meniscus gamit ng mga hi-tech na anchor; subalit kung hindi na puwedeng maayos ito, tatanggalin na lamang daw.

May NBA nanaman...
Simula na naman ng NBA! Mukhang mahihirapan ang paborito kong koponan ng mag-kampeon muli. Pero alam kong pag-iibayuhin nila Kevin Garnett, Ray Allen, at Paul Pierce ang kanilang paglalaro para maihatid nila muli ang Celtics sa rurok ng tagumpay. Pero base sa unang tatlong araw ng liga, sa tingin ko’y pinakamalakas na koponan ngayon ang Los Angeles Lakers, na pinagbibidahan ni Kobe Bryant. Mukhang malaki talaga ang tsansa ng Lakers na mag-kampeon.

May planong piging na!
Magkakaron ng isang Christmas dinner (isang piging, ayon kay Miko) ang tropang JRN sa Disyembre. Ang naturang piging (Filipino word of the month) ay isang paggunita hindi lamang ng Kapaskuhan, kundi ng pagkakaibigang walang kapantay. Kahit saang lupalop pa man gaganapin yang hapunang pampasko (phrase courtesy of Miko again) na yan, sinisiguro kong dadalo ako at makikisalo. Kesehodang nakasaklay pa ko sa mga panahong yan, pupunta pa rin ako.

May isasama ba sa piging?
Ukol pa rin sa nasabing piging, tinanong kami ni Miko sa kanyang sarbey kung may isasama ba kami dito. Sa ngayon ay wala akong isasama, pero kung may himalang mangyayari, aba, baka sakaling may maisasama ako. Datapwat nakalulungkot isipin na malabong maisama ko siya sa piging (‘di ba nga, “walang himala!”), ayos lang naman dahil makakasama ko naman ang aking mga mahal na kaibigan.

Kung may isasama ko…
Kung may maisasama man ako sa piging namin, gutso ko si Mhean yun. Ewan ko, pero magaan ang loob ko sa kanya. Nababaitan lang talaga ko sa kanya. At isa pa, nagagandahan ako sa kanya. Hindi siya ang pinakamagandang babae na nakita ko sa mundo at hindi rin naman masasabing artistahin yung ganda niya, pero gandang-ganda ko sa kanya. Ika nga sa wikang banyaga, “There’s something in her eyes and her smile that melts and captivate my heart.” Balak ko nga siyang bigyan ng regalo bago ko magpa-admit sa UST. Tipong “thank-you” gift ba, para lang mapakita ko yung appreciation ko sa kanya bilang physical therapist ko (kahit 4 sessions lang kami).

1 comment:

Anonymous said...

Gudlak brad! Balitaan mo kami ah.