(Maybe I don't have the authority to rant about anything shown on mainstream Philippine TV dahil hindi naman ako masugid na nanonood ng mga programang Pinoy, but nonetheless, eto yung mga na-oobserbahan ko everytime I do watch TV. Ika nga ng mga militante, may freedom of expression tayo.)
Nakaka-bother na talaga manood ng mga balita sa TV ngayon. Parang puro nalang masasamang balita yung mapapanood mo e. Kung hindi tungkol sa mga nagtataasang presyo ng gas, kuryente, at mga bilihin, mga patayan, krimen, at trahedya naman ang mapapanood mo.Tapos hahaluan pa ng mga balita tungkol sa korupsyon, katarantaduhan, at kabobohan ng mga pulitiko natin. Masama pa nito, binubudburan pa ito ng mga walang kakwenta-kwentang showbiz balita kuno.
Hindi ko lang maisip, bakit puro negative nalang ang binabalita natin. Yun na lang ba talaga ang mga “news worthy” items sa panahon ngayon? Oo, maaatim ko yung mga balita tungkol sa pagtataas ng presyo ng lahat ng bagay, yung mga balita tungkol sa trahedya ng MV Princess of the Stars, yung mga report tungkol sa hagupit ni bagyong Frank, at maging yung mga balita tungkol sa gobyerno natin, pero yung iba, hindi naman na kelangan pang i-balita sa national TV.
Dapat pa bang malaman ng sambayanan yung nangyaring saksakan sa Malate? Kelangan pa bang i-report yung rambulan ng mga rich kids na “nag-paparty” sa Embassy? Tama pa bang i-balita yung nasagasaan sa Avenida? Ayos ba talagang ipakita pa yung mga nag-aaway na magkasintahan o yung mga nagwawalang baliw na umaakyat sa kung saan para magpakamatay kuno? Balita pa ba yun? News worthy pa din bang maituturing yung mga ganon?
Tama rin bang i-balita pa yung pagtataray ni Marian Rivera sa set ng Dyesebel o yung pagta-topless ni Angel Locsin para sa isang endorsement niya? Dapat pa bang malaman ng tao na may bagong nanliligaw kay Ruffa Gutierrez o na may posibilidad na bakla si Piolo Pascual? Bakit pa ba kelangang isama yung mga ganong balita e may mga programa namang para talaga sa showbiz gaya ng The Buzz at Showbiz Central? Anlabo, diba?
Pinakamaayos na siguro yung mga news program ng ABC-5. Yung sa ABS-CBN at sa GMA (sorry sa mga friends ko from these broadcasting giants), halos basura na ang dating sa ‘kin e. In a nutshell, walang kwenta at over-sensationalized yung mga news program nila (Hindi counted yung ANC kasi cable channel siya.). Well actually, marami namang shows na walang kakwenta-kwenta ngayon so it’s not a surprise na. But then again, I expect more from our news programs pa din. Actually, all of us should expect more. Unfortunately, we aren’t getting more––we are actually getting less. (May mga good shows and good segments every now and then, but they come too few and too far between.)
Napaka-incoherent ng blog kong ito. Isa lang ‘to sa mga endless written diatribes ko borne out of having too much time on my hands. Pero alam ko naman na may point din ako (Oo, pagbubuhat na ‘to ng sariling bangko.). Sana lang talaga, mag-improve naman kahit papano yung quality and content ng mga news programs natin (and TV shows na din). Hindi ko na inaasam na maging ka-level sila ng CNN o BBC, pero at least, magkaron naman sana sila ng konting lalim at kaayusan. Alam ko pampalubag loob lang 'to, pero kung gugustuhin naman ng ABS at GMA, kaya nila mag-produce ng quality news programs--and to a larger extent, quality TV shows.

7 comments:
while i'm working for one of the networks that you've named, i have to agree with you to some degree. probably the newscasts that you are pointing out are the primetime newscasts.
walang kwenta talaga yun. marketed talaga sila for masses.
try watching other newscasts of both networks, specifically at late night. they filter stories as news worthy better
di naman ako magaagree sa abc 5. ginagawa na lang talaga nila yung kaya nila. kung may market sila, i bet ganun din ang gagawin ng mga nun sa prime time
yeah, i'm focused more on primetime tv...it's what matters naman talaga kasi most people watch during primetime...I believe that the best quality shows should be in primetime, not late night..
there has to be a paradigm shift on how broadcast companies look at things.. they have to embrace more their capability to facilitate societal changes kahit gradually..
as for abc5, i somewhat agree with you, but still, filtered pa din in a way..yun lang, wala silang market..
martin! link link :) hehe nice blog. 09158213909 keep in touch! san kna work?
Walang sense of gate-keeping o agenda setting ang primetime news programs. Parang magazine show na nga sila kung tutuusin sa dami ng sensationalized news, human interest stories, at showbiz chika chenes.
Sa mga anchor pa lang, kitang-kita na ang mass marketing strategy nung dalawang higanteng network.
Wow, serious talk. Hehe.
very mature na tayo kaya malalalim na ang mga naaarok nating topic.. wala na tayo sa kolehiyo.. hahaha
kukuwento ko sa yo kung paano nafifilter yung mga storya pag naginuman tayo. hehehe
medyo sellout talaga ang primetime, bumababa sila sa level ng nakakarami. pero ang tanong: ganun na ba talaga kababa ang level ng tao ngayon? siguro radical na pagbabago ang kailangan, by radical i mean in 20 years time. hindi kakayanin yun ng isang bagsak lang
Post a Comment