"Sinisiguro ko sa ‘yo na mangangalay ka sa kakangiti sa pagamamahal na ibibigay ko sa ‘yo.”
Ang nasabing linya ay isa sa mga malulupit na hirit ni Piolo Pascual habang nagpo-propose siya ng kasal kay Angel Locsin dun sa comedy nilang teleserye na pinamagatang German Shepperd, este, Lobo. (According sa aking reserts, Noah ang pangalan ng karakter ni Piolo samantalang Lyka naman ang pangalan ng karakter ni Angel.) Dahil dito, tuluyan ko na talagang ibo-boycott ang panonood ng mga Pinoy teleserye.
On a more serious note, hindi ako grammarian. Hindi ako language expert. Hindi rin ako linguist o master orator. Pero ang alam ko, mali itong narinig ko kay Peter Martin, ang napakagaling at napakalupet na color commentator ng PBA:
“Terrence Leather also has a couple of blocks––two blocks to be exact.”Diba, ang ibig sabihin ng phrase na “a couple” e “two?” O baka naman nahuhuli lang ako sa latest trends ng oral English?
Speaking of quotable quotes, naalala ko tuloy yung sinabi ni “El Decano” Quinito Henson (otherwise known as the Boy Abunda of Sports) tungkol kay Rommel Adducul:
“Rommel Adducul is playing the game of his life. He has not missed from the field. He is two-for-two.”Wow, what a great game! One for the ages!
Pero ano nga ba ang point ko sa blog ko na ‘to? Uhmm... Ewan ko. Gusto ko lang siguro mang-balahura at mang-alipusta ng kung sino-sino.
Hindi ko na pahahabain pa itong blog ko na ‘to at baka mangalay pa kamay ko kaka-type.

2 comments:
Hahaha! Tanginang 'yan. Madami talagang ka-engotan sa TV ngayon, lalo na sa mga utak-taho na teleserye.
Baka dalawang fade-away, left-handed, no-look halfcourt shot 'yung na-shoot ni Adducul kaya super impressed si Quinito Henson.
dapat next nba finals pagsamasamahin sina quinito, peter martin at chino trinidad, the best ever possible combination para sa most comprehensive coverage ng finals. ang galing nila mag breakdown ng kumplikadong mga bagay, sobrang simple, napaka payak. whew tanginang yan
Post a Comment