Thursday, June 12, 2008

REACTIONS SA ANNAWANGIN POST NI BRI AT MGA WRONG MOVES KO SA ROAD TRIP

Nabasa ko yung blog ni Brian tungkol sa road trip ng tropa, kaya eto, naisip kong magsulat ng post tungkol dun. Pero bago ang lahat, mag-rereact muna ko sa post ni Bri. Una, factual naman ang pagkakasalaysay niya, although may konting inaccuracy lang (more on that later). Panagalawa, kapuna-punang may starring role ako sa nasabing blog dahil nabanggit ang pangalan ko ng makailang beses (pitong beses, to be exact). Haha.

Before you read more, eto muna ang dalawa sa magagandang tanawin na nakita namin sa Zambales. Nature at its unadulterated best 'to.

Eto yung side ko tungkol dun sa inaccuracy sa salaysay ni Bri. According to him e sumunod ako sa pag-akyat sa bundok dahil “nakaamoy ako ng babae.” Hindi po ito totoo. Barado po ang ilong ko nun kaya imposibleng nakaamoy ako ng babae kahit gaano pa sila kabango (In related news, kinumpirma naman ni Bimbo na totoong mababango sila.). Pero, hindi ko man sila naamoy e nakita ko naman sila kaya ayun, sumunod na rin ako sa pag-akyat ng bundok kahit hindi ko trip nung una. Worth it din naman ung snap decision ko dahil maganda ang view sa gilid ng bundok.

Eto naman ang mga reaksyon ko sa bawat banggit ng pangalan ko.

  • No match pa din si Don sa ‘kin sa NBA Live. Si Pao naman e lumalaban kahit papano. Yun lang, di ko pa rin ma-match yung kalupitan ni Bri pagdating sa NBA Live.
  • Epektib talaga yung pabaga technique ko. Natutunan ko yun dun sa sunog-baga sa kanto namin e. Actually, posporo nga lang daw pwede na e.
  • Nung nanggising ako, ma-coconsider na ba natin na “bumangon” ka nun Bri, kahit napa-upo ka lang sandali? Hindi pa pagbangon yun Bri. Hahahaha. Sayang lang yung effort ko sa paghataw sa kaldero. Ni walang natinag. Ganun pala tropa ko pag pagod, di apektado ng ingay. Tsk, tsk, tsk. Akala ko pa naman e tatayo kayo, lalo si Pao (na siyang promotor ng nasabing “power nap”). Nasaktan ko lang yung kaldero
  • Yes, eventful nga naman yung Friday night ko dun. Sayang nga lang at bakla yung kumatok sa kwarto natin.
  • It was good to win the Annawangin Leg of our Poker Tour. Salamat sa magandang laban, guys! Next time, tatalunin ko uli kayo.
  • Regarding sa maingat kong pagbaba ng bundok, eto lang naman ang lohika ko: Safety first lang talaga. Besides, inaalala ko rin kasi kayong mga kaibigan ko. At ano nalang ang gagawin niyo kung nahulog ako, diba?

Moving on, masasabi ko ng buong puso na memorable talaga yung road trip namin. Yung nga lang, naisip ko ngayon na and dami ko palang wrong moves nung road trip naun. Eto at iisa-isahin ko para next time, maiwasan ko na sila.

  1. Hindi ako nagdala ng kamera! Sayang at hindi ko napicturan ang mga sumusunod (in no particular order): (a) mga magaganda at seksing chikas; (b) mga magagandang tanawin; (c) yung mga bundok na hinati para magawa yung SCTEX; (d) yung mga anomalous pine trees sa Annawangin; at siyempre, (e) yung mga magagandang moments ng tropa.

  2. Nag-feeling indestructible ako nung nag-stopover kami sa NLEX-Shell. Nung bumili kami ng ice nina Bri, kinailangan naming matadtad yung huling pack ng ice para kumasya sa cooler. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko, pero sinubukan kong matadtad yung pack of ice gamit ang tuhod ko. Whattamove! Ayun, ni hindi natinag yung yelo. Ni isang crack ata wala. Hindi ako nag-react kahit may kasakitan. Pero masakit siya. Matigas pala yung pack of ice. Tsk, tsk, tsk.

  3. Masyado kong matagal nag-swimming ng naka-sando. Ngayon, magandang example na ko kung kelangan niyong ipakita ang difference ng light brown at dark brown.
  4. Hindi ko GINISING sina Pao nung Friday night. Actually, ginising ko sila, pero half-hearted nga lang. Sabi nga ni Pao, sayang ang isang gabing kwentuhan na nawala sa malupet naming pagtulog.

  5. Overaggressive ako nung Pundaket Leg ng Poker Tour namin. Ayun, talo tuloy. Nung Annawangin Leg, naging patient ako kaya ayun, panalo naman. Next time, dapat controlled aggression lang. Hmmmm… I can sense another poker win.

  6. Hindi ko dinala yung cp ko nung boat ride papuntang Annawangin. Ayun, wala tuloy kaming pictures nina Don at Brian habang nakasakay sa bangka. Sayang din at ‘di ko nakuhanan ng picture si Manong, the ultimate mandaragat (nakatayo lang naman siya buong trip kahit maalon).
  7. Hindi ako naging friendly. Daming opportunities to make friends dun, kaso hindi ako nag-take advantage e. Sayang nung Friday night, mukhang friendly pa man din yung baklang kumatok sa kwarto namin pero hindi man lang ako nag-initiate ng kahit anong small talk. May mga chikas pa naman siyang friends. May opportunity din akong makipagkilala dun sa mga babaeng umakyat sa gilid ng bundok, pero again, na-chope ako. Nagkatinginan na kami’t nagkangitian nung isa, wala pa din akong nasabi kahit “hi” man lang.

  8. Nawala ko wallet ko. Istupidong move kasi yung pagsuot ko nung isa kong maong shorts e (mababa yung back pocket nun). Dapat yung pantalon nalang sinuot ko. Yun na nga yung first choice ko, pinalitan ko pa.

Pero kahit may mga wrong moves ako, okay lang kasi nga sulit at masaya naman yung road trip. Ika nga ni Pao, habang nag-rerelax ang tropa sa ilalim ng mga pine tree sa Annawangin, “This is the life.” Mag-iipon na ko para sa next road trip ng bayan.

Para sa maraming-maraming pang pictures, bisitahin niyo nalang ang multiply site ni Pao: http://permanence.multiply.com/

4 comments:

Anonymous said...

may reaction pang malupit ah. hehehe

tama ka, siguro half awake ako nun. natawa pa nga ako nung hinataw mo yung kaldero e.

dinahilan mo pa yung may sipon ka ah. hehehe. pero hinunting mo yung mga chiks hanggang sa bandang taas na ng bundok

kaya pala bigla mong binato yung yelo sa semento. nasaktan ka. hehehe

congrats pala sa celtics. kg will get his ring

Anonymous said...

dapat tinuloy mo na yung plano mong approach dun sa babaeng nagbabasa sa anawangin, hehe.
planuhin na ang next roadtrip!

Anonymous said...

Tangina mo Martin! Para akong gago dito sa opis sa katatawa. Tinuhod mo pala 'yung yelo. Hahaha! Whatta move nga! Dapat 'yan ilagay sa manual ng How To Break Ice Packs.
Inuman na ulit!

P.S. Pinapanalo lang kita sa NBA Live to boost your self-esteem. Haha!

cecilethinks said...

hay naku! yong mga post mo lang na di basketball ang gusto ko basahin! anong paki ko sa bb! kung food blog ito, baka oras-oras ko dito! heheee... very nice blog though! very martin!